Idinipensa ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Sabado ang planong pagbiyahe ni United States Vice President Kamala Harris sa Palawan sa susunod na linggo.

Ang Palawan ay pinakamalapit na isla ng Pilipinas sa pinag-aagawang South China Sea (SCS).

“I don’t see why they should,” reaksyon ni Marcos nang tanungin ng mga mamamahayag kung posibleng magalit ang China sa nakatakdang pagbisita ni Harris sa lugar na kalapit lang ng SCS.

“She’s in the Philippines and she is visiting another part of the Philippines. It is our closest area to South China Sea. It is very clear she is on Philippine territory,” depensa ng Pangulo.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Inaasahang darating sa bansa si Harris sa Lunes, Nobyembre 21.

Nakatakda ring makapulong ni Harris ang iba pang opisyal ng gobyerno na magbibigay sa kanya ng impormasyon hinggil sa sitwasyon ng bansa sa West Philippine Sea na unti-unting sinasakop ng China.

Nauna nang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang magandang oportunidad ang pagbisita ni Harris sa bansa para mas mapalakas ang magandang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Si Second Gentleman Douglas Emhoff ang kasama ni Harris sa pagbisita nito sa bansa kung saan ito magtatagal ng tatlong araw.