Sa paglabas ng kaniyang bagong kanta, ibinahagi ni KD Estrada na si Alexa Ilacad ang inspirasyon nito.

"The woman I write my songs for," sey ni KD sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Nobyembre 18. Kalakip nito ang picture nilang dalawa ng aktres at maging ang solo picture nito. 

Binati naman ni Alexa si KD sa pamamagitan ng Instagram story.

"Congratulations on your new song. When I told you to find your next muse, never did I think it would be me one day... but it is my absolute honor," aniya.

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Sinagot naman ito ni KD, "no one else but you."

SANA ALL! Kaya naman kinakiligan ng mga netizen lalo na ng KDLex fans ang Instagram post ni KD.

"Yan gusto ko sau best boy, ang tapang mo. Congrats! Days in top spot👏👏👏 ganda ng song, nakakainlove."

"From "Mahal Ba Kita" To "I'm so lucky that i call you myluv""

"looking for someone who can also make a song for me 😭"

"Alam namin sino paba?kaya nga mahal na mahal namin kayo kasi walang puwang ang delulu ng iba kasi Di panga naka porma basag na.i love u so much both.mawala man ang ibon ndito parin kami kung saan kayo .hanggang dulo."

"Ohhh.. Mag sigtabi tayo masyado na natin na apakan ang subrang haba na buhok ni alexa estrada, esti ilacad pala😜😜😘😘"

"That's a real man, walang paligoy ligoy, Straight from the heart. Kahit hindi mo sabihin nak, obvious naman na for your Babe Alexa yong song, so wonderful song."

"Beautiful song for a beautiful Alexa❤️Thank you KD and hopefully next time kayo dalawa ulit gumawa ng song."

"More songs to come!! The song dedicated to her. So special! 💗"

"Super glad you've finally found the perfect woman for you... Praying for your happy ending with Alexa... 🙏😍"

"Congrats kd!!! Watched you write this on your kumu live! Sooo good to finally hear the end result. Sooo good! Sana all alexa 🤍"

Nabuo ang loveteam na KDLex matapos nilang magsama sa “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” na sinundan ng kabi-kabilang proyekto sa Kapamilya Network kagaya ng mini series na “Run To Me” na umere noong Mayo.

Sa ngayon, wala pang opisyal na kumpirmasyon ang dalawa sa estado ng kanilang relasyon sa kabila ng ka-sweetan ng dalawa off-cam.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/11/10/alexa-ilacad-may-sweet-message-para-kay-kd-estrada-mag-jowa-na-nga-ba/