Isang nakakapanindig-balahibong tagpo ang viral kamakailan sa Facebook matapos sagipin ng isang German Shepherd ang isang batang lalaki mula sa isa umanong agresibong aso sa Amerika.

Ayon sa ulat ng Daily Mail kamakailan, ang viral video ay nakunan sa Florida sa Amerika.

Dito makikita ang isang batang lalaki na naglalaro sa isang open ground kasama ang alagang aso ng kaniyang pamilya na si “Tank.”

Maya-maya pa, makikita ang isang itim na asong nakawala mula isang kapitbahay na akmang aatakehin ang batang lalaki.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Bigo itong masaktan ang bata nang agad na umalagwa ang German Shepherd na todo-protekta sa kaniyang batang pamilya.

Dito sunod na agresibo nang dinepensahan ni Tank ang bata.

Bagaman makikitang nabalot ng takot, ligtas ang bata na agad ring nayapos ng yakap ng kaniyang ina sa video.

Agad na nag-viral sa Facebook ang kopya ng video na sa kasalukuyan ay may nasa mahigit 2.5 million views.

Ilang netizens naman ang umalma sa umano’y maling anggulo ng istorya.

Anila, hindi umano intensyon ng itim na aso ng kapitbahay na saktan ang bata. Bagkus nais lang itong makipaglaro kay "Tank."

Gayunpaman, maraming netizens ang kumbinsido naman sa mala-bayani pa ring pagprotekta ni Tank sa bata.

Muli, pinatunayan umano ng aso na sila nga ang “man’s best friends!”