Anang netizens at pageant fans, handa na si Miss Universe Philippines Celeste Cortesi kasunod ng pag-arangkada ng ika-71 edisyon ng Miss Universe.

Patalbugan na agad sa official headshot ng mga kandidata ang natunghayan ng fans kung saan hudyat na ng opisyal na pagbubukas ng Miss Universe fever.

Sa pamamagitan kasi ng pagboto sa mga kandidata, nakasalalay dito ang maagang semifinalist cuts ng prestihiyusong kompetisyon.

Isa nga sa hinangaan ng maraming fans ang kabogera at palabang headshot ng manok ng Pilipinas na si Celeste. Sa tulong ng kaniyang glam team at creatives, isa sa mga stand-out si Celeste sa naturang kategorya ng kompetisyon.

Human-Interest

75-anyos marathon runner na may suot na gula-gulanit na sapatos, kinaantigan

Elegante, palaban, at tila nanghahamon na umano ng maagang laban ngayon pa lang ang Pinay beauty queen.

“Thank you for your unconditional love and support. Mahal ko kayo 🦋,” ani Celeste sa kaniyang Instagram post, Huwebes.

Inulan ng papuri mula sa pageant fans, kapwa beauty queens at maging sa mga katunggali nito ang pamatay na awra ni Celeste sa official headshot.

“You got this Celeste!!! 👑” komento ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados.

“You got this queen!” saad ni Miss Universe Philippines first runner-up Katrina Dimaranan.

Ilan pang Pinay queens at celebrities ang nagpaabot na agad ng basbas sa manok ng bansa sa prestihiyusong kompetisyon..

Napa-react din maging ang katunggali ni Celeste sa korona mula sa isang pageant powerhouse na bansang Colombia.

“Hermosa,” komento ni Miss Universe Colombia 2022 María Fernanda Aristizabal.

Ngayon pa lang, all-out na rin ang suporta ng mga Pinoy sa Philippine delegate online.

“EYES ON THE PRIZE! ✨👑” komento ng isang fan.

“SCREAMS POWER AND ELEGANCE!!!!🔥🔥🔥🔥🔥” segunda ng isa pa.

“The face of the next Miss Universe 😍🖤❤️‍🔥”

“This is it queeeen! The entire Philippines is rallying behind you🇵🇭!”

“QUEEN CELESTIAL READY TO PICK UP CROWN 🔥”

Sa Enero 2023, tatangkain ng Pinay-Italian beauty ang ikalimang Miss Universe crown para sa Pilipinas.