Tila may pasaring ang aktres na si Maxene Magalona sa mga nang-iintriga sa kaniya ngayon, ayon sa kaniyang cryptic Instagram post nitong Nobyembre 17, 2022.

Bigla kasing lumutang ang pangalan niya sa umano'y napababalitang on the rocks na raw ang relasyon ng mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce, na rason umano kung bakit nananahimik sa social media ang aktres.

Kumakalat kasi sa social media ang isang blind item tungkol sa isang mag-asawang celebrity, na umano'y ang lalaki ay nakabuntis daw ng iba. Ito raw ang dahilan kung bakit nasa social media hiatus ang misis na aktres. Marami sa mga netizen ang nag-name drop at humulang baka sina Locsin at Arce ito.

Lalo pa itong lumutang nang mag-post ng blind item ang tinaguriang "Pambansang Lalaking Marites" na si Xian Gaza, na may inisyal na A.L.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Pagkatapos nito, ibinahagi naman niya ang screenshots mula sa magkasunod na ulat ng isang pahayagan patungkol sa mag-asawa, at kay Maxene Magalona.

Kalaunan, binura din ito ng online personality.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/09/dimples-romana-nagsalita-na-tungkol-sa-pananahimik-ng-kaibigang-si-angel-locsin-sa-socmed/">https://balita.net.ph/2022/11/09/dimples-romana-nagsalita-na-tungkol-sa-pananahimik-ng-kaibigang-si-angel-locsin-sa-socmed/

Sa November 16 episode naman ng "Cristy Ferminute" ay natalakay nina Cristy Fermin at Romel Chika ang kumakalat na tsismis patungkol kina Angel, Neil, at Maxene.

"Ito na po 'yung isang isyu na nagsimula lamang sa pagiging tahimik," ani Cristy, na ang tinutukoy ay ang showbiz at social media hiatus ni Angel.

"Opo, Nanay. Ang nakakapagtaka, lumalabas pa 'yung mga picture nila dati, ni Maxene at saka ni Neil kaya parang ano ba 'to? Bakit kinakailangang humalukay ng mga kuwentong nagdaan na, na inilalagay sa ngayong mga kuwento," segunda naman ni Romel Chika.

“Pero tama ka, hinahalukay pati 'yung nakaraan. Pati 'yung diumano ay nagdalantao si Maxene, di ba?”

"Hay naku, hindi po natin alam 'yung mga vlogs na naglalabas ngayon ng ganitong mga balita. Hintayin po muna natin na magsalita ang mag-asawa para magkaroon po ng saysay at linaw ang kuwentong ito," nasabi na lamang ng showbiz columnist.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/17/maxene-magalona-idinadawit-sa-isyu-ng-umanoy-hiwalayang-angel-locsin-at-neil-arce/">https://balita.net.ph/2022/11/17/maxene-magalona-idinadawit-sa-isyu-ng-umanoy-hiwalayang-angel-locsin-at-neil-arce/

Ngayong Huwebes, nag-post si Maxene na tila unbothered siya sa mga nangyayari.

"Unfuckwithable," ani Maxene sa caption, kalakip ang ilang mga litrato kung saan tila nagme-mediate siya.

"When you’re truly at peace and in touch with yourself, nothing anyone says or does bothers you and no negativity can touch you."

Samantala, sa verified Facebook account ni Angel, panay post ng mga litrato nila ni Neil. Ibinahagi pa rito ang recorded Live ng dalawa kung saan inahitan ng buhok ni Angel ang kaniyang mister.

Sigaw ng mga netizen, bakit puro lumang photos at videos ang ibinabahagi? Mas gusto raw nilang makita ang kalagayan ng mag-asawa ngayon upang maputol na ang mga alingasngas na pumapalibot sa kanila.