Patay ang isang siklista nang masagi at masagasaan pa ng isang truck habang nagbibisikleta sa gilid ng kalsada sa Port Area, Manila nitong Miyerkules ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang nakilalang si Allen Tactaquin Baraguir, 19, at residente ng M. Meneses St., Baseco Community, Bagong Lupa, Port Area, bunsod nang tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan.

Samantala, arestado at sasampahan naman ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang driver ng truck na si Marvin Alcubilla, 40, at residente ng Las Piñas City.

Batay sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), naganap ang aksidente dakong alas-11:45 ng hatinggabi sa southbound lane ng Mel Lopez Boulevard, kanto ng Gate 6, ng Port Area.

National

Asawa ni Harry Roque, pinaaaresto na rin ng Kamara

Nagbibisikleta umano ang biktima sa naturang lugar kasabay ang truck na may plakang NDK 3932 at minamaneho ni Alcubilla, nang bigla na lang nitong masagi ang biktima.

Dahil dito, nabuwal ang biktima at minalas na masagasaan pa ng truck.

Naisugod pa sa Ospital ng Maynila ang biktima ngunit binawian rin ng buhay.