Nakiramay ang mga netizen sa pagluluksa ng aktres na si Ryza Cenon matapos pumanaw ang kanilang furbaby na si "Mallows" na kasama na nila sa loob ng 15 taon.

Makikita sa Instagram post ni Ryza ang pormal na burol para kay Mallows.

"Run free!! No goodbyes! I know we’ll see you again someday. We love you Mallows.💗," ayon sa caption ng aktres.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Hindi naman nabanggit ni Ryza ang dahilan ng pagpanaw ng kanilang pinakamamahal na alagang aso.

Ilan sa mga celebrity na nagpahatid ng pakikiramay ay sina Eula Valdez, Kim Molina, Ara Mina, Candy Pangilinan, Bianca Manalo, Sunshine Guimary, at Chariz Solomon, at Angelu De Leon.