Hindi makapaniwala ang dating Kapuso actress na si Iwa Moto sa kaniyang naengkuwentro nang bumaba siya sa kotse at bumili sa isang shop na nasa loob ng village nila, ayon sa kaniyang TikTok video.

Sa naturang story time, sinabi niyang wala siyang dalang cash kundi cellphone lamang dahil tumatanggap naman ng e-cash ang naturang shop, gaya ng GCash.

Nang pabalik na siya sa kotse, nilapitan umano siya ng tatlong batang may magkakaibang tangkad, at humingi sa kaniya ng limos, pangkain lamang daw.

Nang sabihin daw niyang wala siyang dalang barya, sinabi raw ng pinakamaliit na bata na may GCash account ito, kaya ipadala na lang sa kaniya.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Windang na windang naman si Iwa sa naging sagot ng bata.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Are kids allowed to get gcash since they have to show ID proof with age when signing up for an account?"

"Lupet naka-GCash na😂😂 nakikisabay din daw po sila sa trend😂."

"Mindset ba mindset pag walang barya GCash na lang."

"Upgraded na hahaha."

"Level up yarn?"

Hindi naman sinabi ni Iwa sa dulo ng TikTok video kung nagbigay ba siya ng limos sa tatlong bata gamit ang e-wallet.