Nagtataka raw si Manay Lolit Solis kung bakit sinasayang umano ng isang network ang talento ng aktor na si Paolo Contis. 

Binanggit ito ni Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Huwebes, Nobyembre 17.

"Sa lahat ng anak alaga ko Salve isa si Paolo Contis sa mga love ko. Alam mo ba kung bakit ? Kasi may innocence siya of a child, iyon bang parang bata na sumusunod lang , nagtatampo pag pinagalitan pero hindi kumikibo at nakikinig lang," paunang sabi ng talent manager.

Puring-puri ni Lolit si Paolo, aniya kayang-kaya raw ng aktor ang all around acting.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Magaan siya kasama dahil hindi mapaghanap, at very professional ang approach niya sa lahat ng bagay. Meron siyang inner intelligence at wisdom kaya pag nagsalita talagang may sense. All around acting ang kaya niya, drama, comedy, character acting, bida kontrabida. Lahat napapakisamahan niya, wala siyang problema pagdating sa pakikisama. Kaya naman isa siya sa pang matagalan pagdating sa showbiz ang pag uusapan," dagdag pa niya. 

Kaya nga nagtataka raw siya bakit sinasayang daw ng GMA Network ang talento ni Paolo kahit na bahagi ito ng Sparkle.

"Kaya nga nagtataka ako kung bakit sinasayang ng GMA7 ang talent niya considering na isa siyang Sparkle star. At iyon star aura ni Paolo mas higit pa nga kesa sa isang star na nanggaling sa kabila. Ewan ko kung bakit, pero talagang nahiwagaan ako Gorgy at Salve," sey ni Lolit.

"May something kaya duon sa lumipat at parang isang big star ang turing sa kanya ? Investigate please," mahiwagang tanong pa niya.

Sino kaya ang tinutukoy ni Manay?