Binalaan ng abogadong si Atty. Ralph Calinisan ang admin na namamahala sa isang Twitter fanpage matapos nitong tila paratangan ang Pambansang Bae na si "Alden Richards" na umano'y nasa likod ng ilang die-hard AlDub fans na naniniwalang ikinasal sila talaga ni "Yaya Dub" o Maine Mendoza, at may anak na sila't itinatago lamang sa publiko.

Ayon sa Twitter fanpage na "ChakapusoPH," siya raw ang tila financer ng "kulto". Matatandaang naging usap-usapan ang viral video ng ilang AlDub fans na may edad na, na tila ba "pinopoon" ang AlDub habang kumakanta at nakasindi ang mga kandila.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/12/patingin-kayo-cristy-nag-aalala-na-rin-sa-ilang-aldub-fans-na-nagsasabing-may-anak-sina-alden-maine/">https://balita.net.ph/2022/11/12/patingin-kayo-cristy-nag-aalala-na-rin-sa-ilang-aldub-fans-na-nagsasabing-may-anak-sina-alden-maine/

"Kaya pala tahimik mga marse si Good Boy kuno, siya pala financer ng mga kulto 😂 Sabi ng source, it is his only way to maintain his so-called 'fame'. Alden financed this group para paingayin siya, kahit sino pa masagasaan niya, sa manager pala ni Alden galing ang 'anak' issue," mababasa sa tweet noong Nobyembre 14.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Nietweet naman ito ni Calinisan na kilalang abogado at real-life partner ng aktres na si Dawn Chang na napapanood sa "Mars Ravelo's Darna The TV Series."

"Strong advice, @ChakapusoPH. Delete your post. Stop whatever it is you are doing," aniya.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nagbubura ng post ang binanggit na Twitter fanpage. Sa katunayan, sumagot pa sa kaniya ito.

"nugagawen? 😂" mapanghamong tanong nito.

https://twitter.com/ChakapusoPH/status/1592144186916372482

Haka-haka ng mga netizen, maaaring si Atty. Calinisan ay legal counsel ng manager ni Alden o mismong si Alden, kaya ito napa-react.