Ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan, isa sa mga kinagigiliwang gawin sa mga opisina o paaralan ang pagsasagawa ng "monito monita"

Ito ay isang uri ng bigayan ng aginaldo o regalo sa isang katrabaho o kaklase na hindi mo kilala kung sino. Sa isang tiyak na petsa o huling araw ng bigayan, saka mo lamang malalaman kung sino ba ang nakabunot sa iyo. Sa araw-araw din ay may iba't ibang tema sa pagbibigay ng regalo.

Hindi naman akalain ng netizen na si "Jairo Mogar" na ang "something hard" na matatanggap niya ay literal na matigas nga---isang malaking buko!

"Sabi sa theme ng monito monita something hard. Grabe naman yung nareceive ko.", caption ni Jairo sa ibinahagi niyang Facebook post sa group na "Homepaslupa Buddies 3.0."

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Laugh trip naman ang dulot nito sa mga netizen at tila nagkaroon daw sila ng ideya kapag something hard na ang tema sa kanilang sariling monito monita.

Well, iyan naman talaga ang isa sa mga goal ng monito monita, good vibes lang!