Fresh at blooming si Kapuso singer-actress Rita Daniela sa pinakahuling mga larawan sa isang online post.

Ito ang napansin ng netizens, at mga kaibigan sa showbiz matapos muling iflex ni Rita ang kaniyang baby bump suot ang itim na fitted dress nitong Martes.

View this post on Instagram

A post shared by Rita Daniela (@missritadaniela)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Ganda mo!” komento ni Kapuso actress Thea Tolentino.

“Pretty Momma,” segunda ng kapwa singer na si Rhap Salazar.

“Glowing ka mare!”

“So pretty,” saad ng isang follower.

“Gorgeous, Nanay Rita!”

“Ang ganda Miss Rita!”

“Gandang buntis naman yan!”

Basahin: Rita Daniela, umaming buntis: ‘Wala naman po akong balak ilihim’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang noong Hulyo, ibinunyag ng Kapuso star ang pagdadalantao sa unang supling nila ng hindi pa ipinakilalang non-showbiz boyfriend.

Aniya noon, wala naman daw siyang planong itago ito at sa katunayan ay humanap lang siya ng tamang timing para ibahagi ang balita sa publiko.

“I’m so happy and proud to say that I am soon to be a mother!” emosyonal na pag-amin noon ni Rita sa sa “Queendom segment” ng musical variety show na “All-Out Sundays” noong Hunyo 26.

“Wala naman po akong planong ilihim ito. Naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life,” aniya pa.

Umabot agad sa mahigit 32,000 likes ang naturang post sa pag-uulat.