Lumabas na ang opisyal na poster ng season 2 ng "Mars Ravelo's Darna The TV Series" na pinagbibidahan ni Jane De Leon bilang Narda/Darna, batay sa social media post ng JRB Creative Production.

Matapos ang halos tatlong buwang paglipad ni Darna sa ere, narito't extended pa ito hanggang tatlong buwan o katumbas ng isang season.

Kapansin-pansing kasama pa rin sa poster si "Leonor", ang unang Darna at nanay ni Narda, na mahusay na ginampanan ni Kapamilya star Iza Calzado, na ngayon ay naka-leave dahil sa kaniyang pagbubuntis.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Larawan mula sa JRB Creative Production

Anyway, inulan ng iba't ibang reaksiyon at komento ang season 2 ng Darna. May ilang mga nasabik sa pagpasok ng season 2 ngunit karamihan, nagbigay ng kanilang pag-asam na sana raw ay mag-improve pa ang graphics nito, dahil parang pang-80s pa raw ito at hindi na umusad sa makabagong panahon, bagay na ikinadidismaya ng mga manonood.

"Kapuso here… be honest maganda episode ngayon fight kung fight. Both ko naman sila pinanood MCI (Maria Clara at Ibarra ng GMA Network) at Darna. Darna sa YT and TV naman ang MCI, both winner."

"Ang ganda ng lipad ng dalawa sa Darna, nagagawa na nilang makatotohanan ang paglipad pati fighting ng dalawa, husayan pang mabuti para tumagal pa ang Darna… si Valentina ang galing din yung mga ahas naggagalawan ay mukhang mababangis."

"Sakin no issue sa mga artista na gumanap, ang problema bakit ganiyan fight scenes at mga effects, ayaw gumastos ng malaki? Na parang gumawa ka ng project tapos word kuno 'ok na 'yan' di man lang ginawan ng effort."

"Ganda ng poster puwede makipagsabayan sa international pero mga scene waley pa din iilan lang yung mga mapapa-wow ka, mas marami yung waley…"

"Ayusin ninyo ang effects ninyo kasi wala na ito sa gumaganap, napatunayan na ni Jane na deserve niya ang role. Sayang naman kung laging nadodogshow…"

Pero in fairness, nagustuhan ng mga viewers ang fight scenes nina Darna at Luna, ang bagong pasok na karakter ni Kira Balinger, na natuklasan naman ni Darna na kakampi niya.

https://twitter.com/JRBcreativeprod/status/1592504925439029250

"I'm speechless with Darna and Luna's fight scenes. Woohhh. Napatayo at napasigaw ako."

"In fairness ang ganda ng episode ngayon ah, lalo na yung sinira ni Darna yung gripo ng tubig."

"GRABE!!! Parang every night is a premiere of Darna's Season 2!!! #DarnaLuna."

"DARNA'S FIRST DUEL WITH LUNA IS A JAW-DROPPING SCENE! WOW!!! JUST WOW!!!"

"Sana magtuloy-tuloy na ang improvement!"