Napaamin umano ng showbiz columnist na si Ogie Diaz ang kinakikiligang Kapamilya actor na si Joshua Garcia kung kumusta na ba ang estado ng lovelife nito, at kung sino ang kasama nitong partner sa trip to Japan ng barkadahan nila ng KathNiel, Zanjoe Marudo, Ria Atayde, at iba pa.

Ayon daw kay Joshua, bagama't nali-link sa kaniya si Bella Racelis nang mamataan silang magkahawak-kamay, single daw ngayon ang Kapamilya heartthrob.

"Nainggit" nga raw si Joshua sa mga kasama niyang couple sa naturang trip, dahil tila lumalabas na "Pambansang Third Wheel" din siya nang mga panahong iyon.

"Nandun 'yung inggit pero sa'kin na lang 'yun di ba? Di mo kailangan sabihin 'yun. May mga times na maiinggit ka. Sarap sana ng may kayakap ka dito. Pero kasama mo 'yung mga kaibigan mo. Hindi sila 'yung PDA na nagyayakapan o ano. Parang as one kami. 'Di ko naramdaman na naiwan ako ro'n," paliwanag naman ni Joshua.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Enjoy naman daw ang aktor sa "me time" lalo na sa paggalugad sa iba't ibang mga pasyalan at shopping sa Japan. Wala rin siyang kasama, kaya ang naging partner niya ay Google Map at Uber. May araw daw kasi na may itinerary sila at may araw na libre silang magpunta o gawin ang mga gusto nilang puntahan o gawin.

Mapapanood ang maikling panayam ni Joshua sa ">vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" na umere nitong Nobyembre 15.

Kaya naman, puwede pang sumingit sa mahabang pila kay Joshua!