Kumpirmadong-kumpirmado na ang pagsasama-sama sa isang bagong show nina Mariel Rodriguez, Ciara Sotto, at Ruffa Gutierrez, na eere sa "ALLTV", at may pamagat na "M.O.M.S (Mhies on a Mission)."

Ito raw ang tatapat sa "Magandang Buhay" na morning talk show ng Kapamilya Network, hosted by Momshies Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, at Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid, bagama't hindi pa kumpirmado kung magkatulad ito ng format, o kung isa rin ba itong morning talk show.

Sinasabing eere na ang unang morning talk show ng ALLTV sa darating na Nobyembre 28. Hindi pa sigurado ang timeslot nito at kung itatapat ba ito sa oras ng MB.

"Mhie-lapit niyo nang makasama ang nanay na may misyong magpasaya sa umaga ninyo! Samahan niyo na si Mariel Rodriguez-Padilla, Ciara Sotto, and Ruffa Gutierrez ngayong November 28, 2022 na sa ALLTV!," saad sa caption sa YouTube channel ng ALLTV.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ngayon pa lamang ay pinagsasabong na ng mga netizen ang dalawang programa, lalo't tila inspired daw ito sa Magandang Buhay.

Kaya naman, friendly competition ito ng "Momshies" at "Mhies".

Sina Mariel at Ciara ay contract artists ng ALLTV habang si Ruffa naman ay freelancer. Madalas ay napapanood si Ruffa sa Kapamilya shows bilang hurado, lalo na sa mga segment ng "It's Showtime".

Nilinaw naman noon ni Ruffa na malaya silang magtrabaho sa kahit na alinmang network, kaya 'wag sana siyang i-bash ng netizens kung mapanood siya sa ibang estasyon, maliban sa Kapamilya Network.