Isang good news ang handog ng pamahalaang lungsod ng Quezon City kasunod ng pagbubukas ng aplikasyon para sa mga susunod na iskolar.

Tatanggap ng aplikasyon ang LGU sa mga residenteng kasalukuyang nasa senior high school, at college.

Larawan mula QC Youth Development Office via Facebook

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Maliban dito, bukas din ang potensyal na tulong para sa masters at doctorate student, gayundin sa mga vocational course student.

Ito’y sa kondisyong ang aplikante ay walang ibang scholarship grant sa iba pang pamahalaang lungsod.

Maari namang isumite sa pamamagitan ng https://qceservices.quezoncity.gov.ph/ ang mga requirements ng applicants kabilang ang e-copy ng QCitizen ID, patunay ng school enrollment registration, at kopya ng grades o transcript of record sa nakaraang school year o semestre.

Para sa iba pang katanungan, hinihikayat ng pamahalaang lungsod na idulog ito sa kanilang hotline sa mga numerong 8988 4242 local 8738 o maaaring ipadala via [email protected].