Namataan ang kamukha ng international singer na si Taylor Swift na si Miss Earth Australia 2022 Sheridan Mortlock na walang kiyemeng minumukbang ang sikat na chicken inasal ng isang fast food chain sa Pilipinas.

Ibinahagi ni Mortlock ang pagkain niya ng Family Fiesta Bundle ng Mang Inasal sa kaniyang Instagram post.

“We’re eating good tonight,” aniya. Makikitang nilantakan ng kandidata ang katakam-takam na chicken inasal.

Agad naman itong nakarating sa kaalaman ng "Mang Inasal Philippines" at agad na nagpaabot ng pasasalamat kay Mortlock.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"MARAMING SALAMAT, Miss Earth Australia 2022 Sheridan Mortlock for sharing your love for the Philippines and Mang Inasal plus trying out our trending #MangInasalFamilyFiesta!" saad sa verified at opisyal na Facebook page ng fast-food chain.

Nagkomento naman dito si Miss Earth Australia.

"Thank you for delivering your delicious food so I could try it! 😍 Definitely be going back for round #2."

"YAY!!! See you at Mang Inasal soon!" tugon naman ng admin ng Facebook page.

Sa isa pang Facebook post, muling ibinida ng sikat na chicken inasal food chain ang pagmumukbang ni Mortlock ng kanilang produkto.