Nagpahatid ng pagbati sa kaarawan ni "Manang Nenay", ang house staff ni Marjorie Barretto, ang kaniyang mga anak na sina Julia, Leon, at Dani Barretto sa kani-kanilang Instagram posts.

Makikita sa IG post ni Leon Barretto ang litrato nila ni Manang Nenay na ayon sa 19 na taong gulang na anak nina Marjorie at Dennis Padilla, ay 19 na taon na ring naninilbihan sa kanila.

"Happiest birthday to our Manang Nenay. She’s been in my life for almost 19 years. Will forever be grateful for her, thank you for taking care and loving us manang 🖤", caption ni Leon.

Sa comment section ay nagkomento naman dito ang mga ateng sina Julia at Dani.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Love you manang ninay!!!"

"Happy Birthday Manang!!!!! We love you!! ❤️❤️❤️" segunda naman ni Dani na panganay ni Marjorie, at anak nila ng unang karelasyong si Kier Legazpi.

Marami naman sa mga netizen ang natuwa at naantig sa sweet gestures ng magkakapatid para sa kanilang kasambahay.

"Happy Birthday, manang!"

"This is too sweet… happy birthday manang."

"Please do a vlog with her. Happy Birthday po!"

"Ang cute Leon, happy birthday manang ninay!!!!"

"Cutest ever :”) happy birthday manang nenay!!!"

Sa kabilang banda, hindi maiiwasang may mga netizen na nagsabing mabuti pa raw ang house helper nila ay nagawang batiin gayong si Dennis Padilla ay "nagmamakaawa" pang batiin siya at kinukuha pa ang kanilang atensiyon sa social media. Mababasa ito sa comment section ng isang online news site na nagbalita rin nito.

"Sana ganyan den kayo sa tatay n'yo! 😏 anyways, buhay n'yo 'yan malalaki na rin kayo! Ako naman eh napa-comment lang."

"Talagang pinapamukha lang nila sa tatay nila na wala siyang halaga sa kanila tsk!"

"Yes pero mag-message sila sa tatay nila hindi magawa."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Julia, Leon, at Dani (o maging si Dennis) tungkol dito.