Inspirasyon ang dulot ng isang 19 na taong gulang na binatilyo sa mga netizen matapos niyang i-surrender sa pulisya ang napulot na bag sa ospital, na naglalaman ng ₱70,000 bukod pa sa mahahalagag gamit kagaya ng IDs, ATM cards, at susi ng may-ari nito, na naganap sa Subic, Zambales.

Ibinida ng "Subic Mps Zambales Ppo" sa kanilang Facebook page ang ipinakitang katapatan ni Arjay E. Piletina na taga-Macedo St., Brgy Wawandue, sa Subic, Zambales. Ayon sa FB post, nagtungo si Arjay upang i-admit ang pamangkin sa ospital nang makita niya ang itim na bag.

"KINDNESS IS FREE TO GIVE BUT PRICELESS TO RECEIVE," saad sa post.

"Tunay nga na ang Kabataan ay Pag-Asa ng Bayan."

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

"Habang papunta ng Hospital si Arjay E. Piletina ,19 taong gulang at taga Macedo St.Brgy Wawandue,Subic Zambales upang iadmit ang kanyang pamangkin sa Hospital ay may nakita syang itim na bag at ng kanyang tingnan ito ay naglalaman ng assorted IDs, Keys, Atm Cards at P70,000 pesos Cash."

Magkagayunman ay hindi naging hadlang kay Arjay ang kaniyang sitwasyon. Agad siyang nagtungo sa himpilan ng pulisya upang i-surrender ang kaniyang napulot na bag. Lubos umanong nagpasalamat ang may-ari ng bag sa ipinakitang malasakit at katapatan ni Arjay.

"Patunay lamang ito sa adhikain ng revitalized KASIMBAYANAN at ng MKK=K, na nagpapakita ng MALASAKIT sa ating Kapwa anuman ang sitwasyon na ating nararanasan. Tunay ngang may kabutihan sa bawat tao."

"Saludo ang Kapulisan ng Subic Municipal Police Station sa katapatan at pagiging magandang ehemplo ni Arjay E Piletina. Mabuhay ka sir Arjay!!! At nawa'y pagpalain ka ng Diyos sa kabutihan ng iyong puso!" pagsaludo ng mga pulis kay Arjay.

Good job, Arjay! Sana dumami pa ang mga kagaya mo!