Kinakiligan ng mga netizen ang social media post ng basketball player na si Scottie Thompson matapos niyang ibida ang yakapan nila ng misis na si Jinky Serrano, nang magdaos ito ng pagsalubong sa kaniya mula sa kaniyang pag-uwi mula sa Jeddah, Saudi Arabia.

Nagtungo sa Jeddah sina Scottie at ang koponan ng Gilas Pilipinas para sa 5th window ng 2023 Fiba World Cup Asian qualifiers.

Makikita sa kalakip na litrato ng social media post ni Scottie na talaga namang pinaghandaan ni Jinky ang kaniyang pag-uwi. Mababasa pa ang po tarpaulin na "Congratulations and Welcome Home, Love" sa kanilang likuran habang magkayapusan silang mag-asawa.

"HOME🇵🇭 THANK YOU LORD!🙏🏽 I LOVE YOU SO MUCH MY LOVE!," saad sa caption ni Scottie.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Umani naman ito ng pagbati mula sa mga netizen at talaga namang kinilig sa kanilang sweet gestures sa isa't isa.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang pagpapakasal nilang dalawa, dahil ang alam ng lahat ay engaged na sina Scottie at ang kaniyang long-time girlfriend na si Pau Fajardo.

Matagal na silang mag-jowa, kahit na hindi pa sikat na professional basketball player si Scottie. Naihayag na rin ang kanilang engagement noong Enero, pagpasok ng Bagong Taon. Gayunman, Abril nang umugong ang balitang nagkakalabuan ang dalawa nang mapansin ng mga tagahanga na binura ng dalawa sa kanilang social media accounts ang mga litrato ng isa’t isa.

Makalipas ang ilang buwan, ibang babae ang kaniyang pinakasalan, at ito ay si Jinky Serrano, beauty clinic owner at dating flight attendant, Binasag ni Pau ang kaniyang katahimikan hinggil sa isyu noong Hunyo 24.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/06/22/fans-na-shock-kay-ginebra-player-scottie-thompson-nag-propose-sa-isa-kinasal-sa-iba/">https://balita.net.ph/2021/06/22/fans-na-shock-kay-ginebra-player-scottie-thompson-nag-propose-sa-isa-kinasal-sa-iba/

Para kay Scottie, "best decision ever" ang pagpapakasal at pagpili niya kay Jinky.

Makikita sa Instagram post niya noong Enero 3, 2022 ang kaniyang nakaaantig na mensahe para sa kaniyang asawa, matapos nilang ikasal noong 2021.

"The best decision I've ever made and my life's greatest blessing! Looking forward to many more memories, adventures, laughs, challenges, small wins and big successes with you! "

"Let's build a solid foundation in the years ahead for our future family and may we always put God at the center of our marriage. Know that I will always be here for you and I'd always choose you in a hundred lifetimes. I LOVE YOU SO MUCH WIFEY!!! @_jinkythompson."

Tumugon naman dito si Jinky.

"I love you too husband, my rock!"

"@_jinkythompson my weakness!" sagot naman ni Scottie.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/04/scottie-thompson-best-decision-ever-made-ang-pagpapakasal-kay-jinky/">https://balita.net.ph/2022/01/04/scottie-thompson-best-decision-ever-made-ang-pagpapakasal-kay-jinky/