Nitong Martes, Nob. 15 naganap ang espesyal na send off para kay Binibining Pilipinas International 2021 Hannah Arnold.

Tuloy na tuloy na kasi ang pasiklaban ng Miss International competition sa Tokyo, Japan sa Disyembre.

Basahin: Confirmed na! Hannah Arnold, tuloy na tuloy na ang pagsabak sa Miss Int’l sa Dis. 13 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hindi naman maiwasang ngayon pa lang ay mapuri na ng pageant Pinoy fans ang beauty queen kasunod ng kaniyang send off getup.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

Suot ang isang eleganteng gown, litaw na litaw ang ganda ng forensic scientist nitong Martes.

“Absolutely gorgeous!!! Bring home the crown!👑👑👑” komento ng isang fan sa Facebook post ng Binibining Pilipinas, Martes.

“Super ganda. Bagay talaga sa kanya ang Mis International 2022!🥰🙏👏” segunda ng isa pa.

“Uy!!! Ang ganda sobra!!! Koronahan na yan!✨🥹🫶

“Absolutely gorgeous, and of course cuteness overload, I love it.”

“Kagwapa!!”

“Panalo na agad!”

Susubukang masungkit ni Hannah ang ikapitong Miss International crown para sa Pilipinas.

Sa Dis. 13 gaganapin ang coronation finale ng kompetisyon.