Hindi naging madali para sa siyam na taong-gulang at tinaguriang “Next Chess Grandmaster” ng Pilipinas na si Bince Operiano ang pagkamit sa kauna-unahang kampeonato sa 6th Eastern Asia Youth Chess Championship na ginanap sa Bangkok, Thailand kamakailan.

Gintong medalya at tropeyo ang isa sa nauwi ng chess prodigy mula Oas, Albay para sa Under 10 Boys Division ng naturang international tournament.

Basahin: 8-anyos chess prodigy, wagi ng gintong medalya sa chess competition sa Thailand – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Bagaman ipinagdiriwang ng buong bansa ang kaniyang pagpanalo, hindi naging madali ang kuwento ng tagumpay ni Bince.

Human-Interest

BALITrivia: Ang ‘I Love You’ na nagbigay ng trauma sa halip na kilig noon

Sa katunayan, kasama ang amang si Ben Operiano, dalawang gabing natulog ang mag-ama sa paliparan habang hinihintay ang libreng tiket mula sa Philippine Sports Commission (PSC), ito’y ayon na mismo sa isang Facebook post ni Albay Third District Representative Fernando Cabredo. Linggo.

Ang karaniwang dahilan nito, limitado ng pondo ang ahensya para sa malalaking talentong kagaya ni Bince.

Sa parehong kadahilanan, una ring lumipad sa Thailand ang siyam na taong-gulang na pambato ng bansa nang hindi kasama ang ama dahilan para matalo sa unang serye ng mga laro si Bince habang hinihintay ang presensya at suporta ng ama, pagbabahagi ng kaniyang inang si Rosemary Operiano.

Bince, 9, kasama ang amang si Ben Operiano/ Larawan mula Thailand Chess Association

Nauna nang nanawagan ng pinansyal na suporta ang pamilya ni Bince bago lumipad ng Thailand noong Oktubre.

“We hope we can also participate support before this little hero brought home the medal. I think he, the coach and father needs it more before the tournament,” pagbibigay saloobin ng isang netizen sa Facebook post ni Cabredo.

“Let’s be part of the preparation and not just during its glory. I was sad reading that the dad was at the airport for 2 days waiting for the fare to Bangkok, whether it’s true or not, [which] makes me sad. Dapat ngani s[i] coach kaibahan pa. Salute to the coach and to the father!” dagdag nito na kinumpirma naman ang impormasyon mismo ng amang si Ben.

“Totoo po yan, 2 nights si Bince sa airport ako 3 nights po,” pagtugon ng ama.

Sa pagtungtong ng edad 10-anyos, nakatakdang itanghal bilang National Master si Bince ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).

Ang chess prodigy ay kasalukuyang estudyante ng San Isidro Elementary School sa Oas, Albay.

Pagbabahagi ng ama, buo ang dedikasyon ng anak para sa kaniyang paglalaro ng chess.

“Actually, ang training niya ay eight hours a day,” pagbabahagi ni Ben sa naging pagsasanay ng anak noong kasagsagan ng pandemic kay Bangkok-based vlogger “Biyaherong Coach” matapos lang ang tournament.

Sa ngayon, puspusan pa rin ang pagsasanay si Bince na kaniyang naisisingit pagkatapos ng kaniyang mga aralin. Dagdag rito, buong araw pa rin ang kaniyang chess routine tuwing Sabado at Linggo.

Anang ama, nag-eenjoy at masaya ang bata sa tuwing naglalaro ng chess.

“Kusa naman siya sir, ‘pag walang kalaban, umiiyak,” dagdag ni Ben.