Itinanghal na grand winner sina Billy Crawford at ang partner na si French dancer Fauve Hautot sa grand finals ng "Danse avec les stars (Dance With The Stars)" sa France, na naganap nitong Biyernes ng gabi, Nobyembre 11 sa naturang bansa, at Sabado naman ng umaga dito sa Pilipinas noong Nobyembre 12.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/12/billy-crawford-at-kaparehang-french-dancer-na-si-fauve-hautot-wagi-sa-danse-avec-les-stars/">https://balita.net.ph/2022/11/12/billy-crawford-at-kaparehang-french-dancer-na-si-fauve-hautot-wagi-sa-danse-avec-les-stars/

Kaya naman, agad na nagpaabot ng pagbati ang mga kasamahan at kaibigan sa showbiz gayundin ang mga netizen kay Billy Boy na talaga namang isang "Philippine Pride", kagaya na lamang ng kaniyang laging buddy sa hosting noong nasa ABS-CBN pa ito, na si Luis Manzano.

"Congrats @billycrawford for winning Dancing with the stars! Proud of you!" saad ni Luis sa caption ng Instagram post.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Subalit napa-second look ang mga netizen dahil tila throwback photo ang kaniyang inilakip na litrato.

Iyon pala, ito ay mga "doppelgangers" lamang nila o mga kalook-alike.

Bumenta naman ito sa celebrity friends nila at mga netizen.

"When you order lucky and billy from wish. com".

"Anlala!"

"Saan ang hustisya? Hahaha."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/13/doppelgangers-pag-congrats-ni-luis-manzano-kay-billy-crawford-kinaaliwan/">https://balita.net.ph/2022/11/13/doppelgangers-pag-congrats-ni-luis-manzano-kay-billy-crawford-kinaaliwan/

Nakarating naman ito sa kaalaman ni Billy at nagkomento kay Luis.

"Hahahahahahahahahahaha sira ulo ka talaga paps! Magbago ka na may anak ka nang parating," pahayag ni Billy.

Nagkasama bilang co-hosts sina Luis at Billy sa "Pilipinas Got Talent" (PGT) ng ABS-CBN.