Nakapanayam ng showbiz insider na si Morly Alinio ang hunk actor na si Aljur Abrenica sa kaniyang vlog upang kumustahin na ba ito, matapos ang pagtatampok sa iba't ibang dekorasyon sa Pasko.

Dahil malapit na ang pagdiriwang ng Pasko, nauntag si Aljur tungkol sa iba't ibang mga tanong patungkol sa Pasko. Sinagot naman itong isa-isa ni Aljur.

Natanong sa kaniya kung ano ang plano nila sa pagdiriwang ng Pasko. Aniya, dahil nami-miss na umano ng mga magulang niya ang kanilang mga apo, tiyak na magkakaroon sila ng gatherings.

Para kay Aljur, kapag sinabing Pasko, pamilya ang kaagad na naiisip niya, at ito raw ay something "to fight for".

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Natanong din sa aktor kung ano ang pinakamasayang pagdiriwang niya ng Pasko sa tanang buhay niya.

"Too many to mention, halos lahat," aniya.

Eh ano naman ang pinakamalungkot?

"Ohhh… pinakamalungkot, siyempre yung first Christmas na, na hindi ko kasama yung pamilya ko. Yung separation namin ni Kylie."

Natanong din kung may naiisip ba siyang iregalo sa ina ng kaniyang mga anak.

"Commitment na I'll always there for her and our kids. My attention, time, lagi akong nariyan para sa kanila whenever they need me and love," ani Aljur.

At siyempre, hindi mawawala sa eksena si AJ Raval. Ano naman kaya ang Christmas gift ni Aljur para sa kaniya? Aniya, nais lamang niyang matupad ng Vivamax actress ang kaniyang mga gusto sa buhay.

Para naman sa sarili, sinabi ni Aljur na nais lamang niyang makasama nang buo ang kaniyang pamilya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/15/aljur-abrenica-may-magkaibang-regalo-kina-kylie-padilla-aj-raval-ngayong-pasko/">https://balita.net.ph/2022/11/15/aljur-abrenica-may-magkaibang-regalo-kina-kylie-padilla-aj-raval-ngayong-pasko/

Ikinasal silang dalawa noong Disyembre 2018. Noong Hulyo 2021, kinumpirma ni Kylie ang kontrobersiyal na paghihiwalay nila ni Aljur.

Aniya, co-parenting pa rin naman ang ginagawa nila sa kanilang anak na sina Alas at Axl. Kinumpirma rin mismo ng ama ni Kylie na si Robin Padilla na hiwalay na nga ang dalawa, at third party umano ang dahilan.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/07/08/aljur-abrenica-at-kylie-padilla-kumpirmadong-hiwalay-na/">https://balita.net.ph/2021/07/08/aljur-abrenica-at-kylie-padilla-kumpirmadong-hiwalay-na/

Nadawit sa isyu ang umano'y bagong babae sa buhay ni Aljur na si AJ Raval. Lalo pa itong umigting nang makita silang naglalakad sa isang mall habang magkahawak-kamay. Pinukol ng batikos si AJ at pinaratangang siya ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/10/07/aj-raval-at-aljur-abrenica-naispatang-naglalakad-habang-magkahawak-kamay-magkayakap-sa-mall/">https://balita.net.ph/2021/10/07/aj-raval-at-aljur-abrenica-naispatang-naglalakad-habang-magkahawak-kamay-magkayakap-sa-mall/

Bagay na nilinaw naman ni Kylie at sinabing hindi si AJ ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Pumasok umano sa eksena si AJ nang magdesisyon na silang tapusin na ang kanilang relasyon. Napagkasunduan din nilang puwede na silang makipag-date sa gugustuhin nilang bagong makarelasyon.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/10/10/anong-say-ni-kylie-padilla-sa-aj-aljur-affair/">https://balita.net.ph/2021/10/10/anong-say-ni-kylie-padilla-sa-aj-aljur-affair/

Tila natuldukan ang gusot sa pagitan ng dating magkarelasyon nang magpaunlak ng panayam si Kylie kay Jessica Soho sa "Kapuso Mo Jessica Soho" matapos lumabas ang post ni Aljur na nagpaparatang sa kaniyang siya raw ang unang nagloko sa kanilang dalawa. Agad din naman itong binura ni Aljur at humingi ng dispensa kay Kylie.