Nakapanayam ng showbiz insider na si Morly Alinio ang hunk actor na si Aljur Abrenica sa kaniyang ">vlog upang kumustahin na ba ito.

Dahil malapit na ang pagdiriwang ng Pasko, natanong ni Morly sa hunk actor kung ano ba ang naiisip niyang plano para sa pagdiriwang ng Pasko. Sagot naman ni Aljur, tiyak na marami silang gatherings.

Natanong ni Morly kung ano ang balak niyang iregalo sa mga anak. Si Alas daw na kaniyang panganay ay humihirit ng motorsiklo, dahil gusto nitong magmotocross. Si Axl naman daw ay excavator.

Maya-maya, isang reporter ang nagtanong kung ano ang ireregalo niya kay AJ Raval sa Pasko.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

"Ang gusto ko lang sa kaniya, ano eh, maging masaya siya. Na lahat ng wishes niya, lahat ng makakabuti para sa kaniya, mangyari. Di ko alam kung maibibigay ko 'yun, pero wini-wish ko 'yun para sa kaniya."

Sumunod na sumundot ng tanong si Morly. Ano naman daw ang maibibigay niyang regalo kay Kylie?

"Commitment" aniya ang maibibigay niya para kay Kylie. Commitment hindi bilang lover kundi ama sa kanilang mga anak, dahil co-parenting nga sila pagdating sa mga bata.

"Commitment na I'll always be there for her and our kids. My attention, time, lagi akong nariyan para sa kanila whenever they need me and love," ani Aljur.

Para naman sa sarili, sinabi ni Aljur na nais lamang niyang makasama nang buo ang kaniyang pamilya.