Isa sa mga "sinawsawan" ng tinaguriang "Queen SawsaweRRa" na si RR Enriquez ay ang panibagong mga ipinupukol na isyu ngayon kay vlogger Zeinab Harake; na kesyo naging tila "relihiyosa" na raw at "maka-Diyos" ito bigla dahil sa isa niyang social media post.

"Nakakaloka, parang lahat ng sabihin at gawin ni Zeinab Harake, napapansin. Siyempre, sikat kasi siya…" sey ni RR. "Hot topic talaga siya."

Binasa ni RR ang tweet ni Zeinab na inatake ng bashers, noong Nobyembre 5.

"Sarap kumapit kay God promise hindi ka Niya pababayaan," mababasa rito.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Zeinab Harake (Screengrab mula sa YT Channel ni RR Enriquez)

Pinutakti ito ng bashers dahil daw biglang may pa-post si Zebby patungkol sa Diyos.

Ayon kay RR, wala siyang nakikitang masama sa tweet ni Zeinab tungkol dito. Hindi naman daw porket may pagkakamali si Zeinab na talaga namang pinag-usapan noong Oktubre, wala na itong karapatang mag-post sa kung paano niya naramdaman ang presensiya ng Panginoon sa kaniyang buhay.

"In my own honest opinion, there's nothing wrong sa post ni Zeinab. Alam n'yo kung ano 'yung may mali? 'Yung mga taong mali mag-isip. Lahat na lang ng ipo-post mo especially about God, tingin na agad ng ibang tao parang bawal ka talagang magkamali."

"Once na mag-post ka about God, yung mga taong 'yan, Diyos ko! Hihintayin ka talaga nilang magkamali ka. Konting mali mo lang pupunahin na agad nila, Hay naku o di ba pa-post-post ka pa ng mga bible verse, tapos ikaw rin pala…" parunggit ni RR.

Kaya naman, nag-iwan ng mensahe at payo na rin si RR para kay Zeinab.

"To Zeinab, I'm so happy na wala nang ibang kinakapitan ngayon kundi si God. Kasi 'yun lang naman ang tanging kakapitan mo."

"Puwede kang iwanan lahat ng mga kaibigan mo, puwede kang traydurin ng mga kaibigan mo, pero si God never kang tatalikuran kaya sa Kaniya ka lang talaga dapat kumapit," saad ni RR sa kaniyang &t=137s">vlog.