Matapos ang mga pinag-usapang kontrobersiya patungkol sa kaniya ay muling humarap sa publiko ang kontrobersiyal na vlogger-social media personality na si Zeinab Harake, bilang guest ni Willie Revillame sa "Wowowin" na napapanood sa ALLTV.

Sa pangungumusta ni Willie kay Zeinab noong Nobyembre 12, hindi naiwasang maungkat ang dati nitong karelasyong si "Skusta Clee" o Daryl Ruiz, gayundin ang anak nilang si Baby Bia.

Nabanggit ni Willie na in fairness daw ay bet niya ang kanitang ginawa ni Skusta Clee para sa anak nila na pinamagatang "Lagi." Kaya payo niya kay Zeinab, sana raw ay mapatawad niya ang kaniyang partner sa mga nagawa nito, at huwag hayaang magtanim ng sama ng loob ang anak sa kaniyang ama. Pagbali-baliktarin man daw ang mundo, si Skusta Clee pa rin ang ama ng kaniyang anak.

Inihalimbawa pa ni Willie ang kaniyang mga naging karanasan sa pakikipagrelasyon.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Matatandaang tahasang sinabi ni Zeinab sa naganap na media conference para sa launching niya bilang bagong ambassador ng oral-care products ng isang beauty brand, hindi siya bukas sa ideya na co-parenting sila ni Skusta kay Baby Bia. Kaya naman daw niyang palakihin ang anak, at tila may pahaging na wala siyang tiwala sa ama ng kaniyang anak.

Naniniwala si Zeinab na kaya naman niyang gampanan ang tungkulin bilang ina at ama para kay Bia.

"Kaya ko naman po. Hindi naman po ako nangangailangan. Yung baby ko po, baby ko lang po ’yon. Akin lang po ’yon," direkta at walang kiyemeng pahayag ng social media personality.

"Paano ko ididikit ang anak ko sa taong hindi ako magiging kampante na kasama ng anak ko? Hindi rin ako magiging palagay. Gusto ko lang naman lahat ng best para sa kaniya," dagdag pa ni Zeinab na kamakailan lamang ay umaming in a relationship na ulit.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/08/isang-hottie-engineer-nali-link-kay-zeinab-harake-netizens-kinuwelyuhan-muli-si-skusta-clee/">https://balita.net.ph/2022/07/08/isang-hottie-engineer-nali-link-kay-zeinab-harake-netizens-kinuwelyuhan-muli-si-skusta-clee/

Sa ngayon daw ay wala na silang komunikasyon ni Skusta.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/13/baby-ko-lang-po-yon-akin-lang-yon-zeinab-ayaw-maging-co-parent-si-skusta-kay-baby-bia/">https://balita.net.ph/2022/09/13/baby-ko-lang-po-yon-akin-lang-yon-zeinab-ayaw-maging-co-parent-si-skusta-kay-baby-bia/