Ibinahagi ng aktres na si Roxanne Barcelo ang 3rd trimester na niyang pagbubuntis sa ikalawa nilang anak ng kaniyang dayuhang mister, ayon sa kaniyang Instagram posts.

Makikita sa kaniyang Instagram posts ang mga litrato nila ng mister na si Jiggs at ang panganay nilang anak na si Baby Cinco, na sabi ng mga netizen, ay maihahalintulad sa cover page ng pocketbooks.

"You make me feel like I am phenomenal, worthy, and enough. Thank you for your love," ani Roxanne para kay Jiggs. Ipinagdiriwang din nila ang kanilang anniversary.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

"We are getting into the 3rd trimester of this pregnancy! Every morning, Cinco and Jiggs kiss my growing belly. I’ve had some nights of waking up to 2 babies kicking my tummy, one from the outside and one from the inside. It is an experience I absolutely love and will keep in my heart forever," pagbabalita ni Roxanne sa kaniyang pagbubuntis.

"My joy revolves around my family and that has truly become the most fulfilling feeling ever. The heavens have granted what I have longed for all my life, all in His perfect time."

Kaya naman, hindi maiwasan ng mga netizen na tawagin siyang "Roxanne 'Babaeng Pinagpala sa Lahat' Barcelo" dahil sa kaniyang napakagandang pamilya, na para nga raw nababasa sa nausong pocketbook noon.

Matatandaang ipinakilala ni Roxanne ang kaniyang foreigner husband na si Jiggs noong 2021, at ipinasilip na rin ang hitsura ng kanilang baby, sa kaniyang latest Instagram post.

"When I prayed for happiness, the heavens blessed me with true joy and love. You are worth the wait," caption ni Roxanne sa kaniyang IG post.

"It is my honor and privilege to be your wife, Jiggs. I am forever grateful for the day you asked me to start a family with you. Thank you for your unconditional love. I love and adore you and @dababycinco with all that I am."

Ginamit niya ang hashtag na '#ThePandaFamily'.

Matatandaang hindi pa inilabas ni Roxanne sa madlang pipol ang full face ng kaniyang mister sa kaniyang mga social media posts.

Nitong Nobyembre 21, 2021, binati niya ng anniversary ang kaniyang foreigner husband at tinawag niya itong 'Mahal'.

"Happy Anniversary, aking Mahal. Thank you for the best two years of my life. You are so worth the wait. Wǒ ài nǐ," caption ni Roxanne kalakip ang mga litrato nila ng mister.

Matatandaang noong Disyembre 2020, inihayag ni Roxanne na ikinasal na siya. Hindi rin niya idinetalye kung kailan siya na-engage at kung kailan siya eksaktong ikinasal.

Isang buwan matapos ang rebelasyong kasal na siya, inihayag naman niya sa YouTube vlog entry na magkaka-anak na sila.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/17/roxanne-buntis-ulit-mga-netizen-di-raw-siya-masisisi-dahil-sa-guwapong-mister-na-afam/">https://balita.net.ph/2022/09/17/roxanne-buntis-ulit-mga-netizen-di-raw-siya-masisisi-dahil-sa-guwapong-mister-na-afam/

Pinayuhan ng mga netizen si Roxanne na "magparami" lamang sila nang magparami hangga't kaya dahil maganda raw ang lahi nila ng mister.