Isang buwan matapos mapakinggan ng fans ang kauna-unahang music collaboration nina Kyla at Brian Mcknight Jr., may bagong handog ang duo tampok sina Anji Salvacion at Brent Manalo ngayong Lunes.

Unang inilabas ang kantang “Cuz Of You” na sinulat ni BMJR noong Okt. 14, at mula noon, ilang fans na ang nag-abang para sa maaaring performance video kasama ang tinagurian Philippine “R&B Queen.”

Hindi naman binigo ng dalawa ang fans at para sa monthsary celebration ng kanta ngayong Lunes, pagbibigyan nina Kyla at BMJR ang hiling ng mga ito.

Sa unang pagkakataon, mapapanuod ang performance video ng kanta sa isang YouTube content ngayong Lunes.

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

Tampok pa sa rito sina Anji Salvacion at Brent Manalo.

“Celebrate 1 month of #COY on Nov 14, 2022 with this performance video by yours truly and @brianmcknightjr starring @_anjisalvacion_ and @brentymanalo,” mababasa sa IG post ni Kyla, Linggo.

Nitong 7pm, mapapanuod ang performance video sa YouTube channel ng Tarsier Records.

Ilang fans naman ang agad na nagpahayag ng excitement para sa brand-new musical treat.

Ang COY ay parehong prinodyus ni BMJR at Jonathan Manalo.