Isa sa mga itinuturing na "pambansang third wheel" sa mga ganap ng celebrity couple ang komedyanteng si Alora Sasam; paano, sa lahat ng mga kaibigan niyang celebrity couple kagaya na lamang nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KatnNiel, napababalitang mag-on na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde, at pati na rin kina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ay lagi siyang "sabit".

Noong Biyernes, Nobyembre 11, ginunita sa buong mundo ang tinatawag na "Happy Singles' Day" o araw para sa mga single o wala pang karelasyon. Kaya naman napahugot dito si Alora matapos niyang ibahagi ang lambingan video nina Loisa at Ronnie habang siya naman ay umiinom nang mag-isa.

"Baka kaya tayo single kasi mas masarap uminom? BALAKAYOJAN! Happy Singles Day pala kahapon di ako naka-celebrate kasi araw-araw naman ako nagseselebreyt mag-isa. #BakaKayaSingle," ani Alora.

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

"HAHAHAHAHAHAHA LABYU😂❤️," tugon naman ni Loisa.

Umani naman ito ng iba-ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen at sinabihan nila si Alora na darating daw ang panahong hindi na siya magiging third wheel at ang ife-flex ay ang sariling jowa na.