Hindi pa man natatapos ang kanilang “Where You At” (WYAT) world tour, may pamaskong anunsyo na ang P-pop group SB19 para sa ipinangakong treat kasunod ng kanilang ikaapat na anibersaryo ngayong taon.

Nakatakda pang magtanghal ang SB19 sa San Francisco at Singapore sa darating na Nob. 18, at 19, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Basahin: ‘Here’s Your Perfect’ singer Jamie Miller, present sa WYAT tour ng SB19 sa Los Angeles – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ngunit bago nito, kinumpirma na ng grupo ang planong homecoming concert sa bansa bilang pagtatapos ng high-successful WYAT tour.

Musika at Kanta

Funny pero dark? 'Salarin, Salarin' ng BINI-b10 umani ng reaksiyon

“MANILA we’re back to celebrate the finale of the WYAT Tour 2022 and another year with A’TIN! 💙” mababasa sa social media post ng SB19, Lunes.

Basahin: Award-winning P-pop kings SB19, nagdiriwang ng kanilang ikaapat na anibersaryo – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaan nitong Oktubre, ipinagdiwang din ng grupo ang ikaapat na anibersaryo kung saan isang pangako sa Pinoy A’TIN ang binitawan ng grupo bago lumipad para sa unang WYAT leg sa Dubai.

Anang grupo, ipagdiriwang nila ang espesyal na anibersaryo pagbalik ng Pilipinas.

“Apat na taon na tayong magkakasama, sinong mag-aakala! The universe really transpired for us to meet and experience this incredible journey together. Let’s enjoy the ride, A’TIN! Thank you, forever,” mababasa noon sa social media post ng SB19.

Ngayon pa lang, excited na muli ang A’TIN sa pagbabalik concert stage ng grupo sa sariling bansa.

Ang homecoming Manila concert ng SB19 ay tatlong buwan lang matapos ang sold-out concert ng grupo noong Set. 17 sa Araneta Coliseum.