Sa kasikatan at nag-viral na video ng mag-iinang Melai Cantiveros at mga anak na sina Mela at Stella, isang artist ang nagpinta ng kanilang mukha sa isang pinggan sa pamamagitan lamang ng ketchup.

Makikita sa mga ibinahaging litrato ni "Jhon Lex Ammong" ang mukha nina Melai, Mela, at Stella na nilagyan pa niya ng korona gamit naman ang mga piraso ng chicken nuggets.

Matatandaang kamakailan ay nag-viral ang video ng tatlo ukol sa chicken nuggets.

Marami ang humihimok kay Melai na sa takdang panahon, isabak na rin sa showbiz ang kaniyang mga anak, dahil kuhang-kuha nila ang wittiness at sense of humor niya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa katunayan, paminsan ay nakikita na rin sa morning talk show na "Magandang Buhay" ang dalawang bagets dahil marami ang kyut na kyut sa kanilang dalawa.