Nais na ni Senator Raffy Tulfo na paimbestigahanang mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa alegasyon ng korapsyon.

"Siguro sa mga project, project ng DPWH. Kasi maraming mga maninipis na kalsada diyan," bungad ng senador matapos tanungin kung anong ahensya ang dapat na tapyasan ng budget para sa susunod na taon.

Aabot saP718.4 bilyon ang nakalaang budget ng DPWH sa ilalim ng mungkahing P5.268 trilyong badyet para sa 2023 batay na rin saNational Expenditures Program.

Paliwanag ng senador, sakali aniyang magmungkahi ang isang mambabatas ng proyektong nagkakahalaga ng P25 bilyon, gayunman, aabot lang sa P10 bilyon ang aktuwal na halaga ng proyekto."So, may kickback agad na P15 billion," lahad nito sa panayam sa telebisyon.

National

‘Julian,’ mas lumakas pa; Signal No. 3, itinaas na

"Siguro, it's about time na silipin itong mga project, project na ito. Legit ba 'tong mga projectna 'toat tama ba 'yung mga materyales na ginagamit diyan? Tumutugma ba dun sa amount na requested?" sabi nito.

Nagkakaroon aniya ng mga kickback sa mgaroad project kung saan ang bahagi ng halaga ng proyekto ay paghahatian ng mgaproject contractor at DPWH district engineer.

"So, 'yung P100 million na project, magiging parang P20 million na lamang dahil 'yung P80 million eh napunta sa hati-hati," aniya.

Nitong nakaraang buwan, kinuwestiyon na ni Tulfo ang DPWH dahil sa mga sirang paaralan at depektibong kalsada.

Noong Oktubre 2020, isinapubliko ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na talamak umano ang korapsyon sa ahensya kaya nanawagan ito sa Kongreso na silipin ang mga proyekto nito.