Maisasakatuparan na ang isa sa mga pangarap ng Kapuso actress na si Barbie Forteza na makapagpatayo ng kanilang "dream house." 

Proud niyang ibinahagi ito sa kaniyang Instagram account kamakailan. 

"If there’s one thing the pandemic has taught me, it’s to plan ahead and think long term. Now, I am about to build my dream home for me and my family," sey ni Barbie kalakip ang isang larawan sa isinagawang ground breaking ceremony.

Bukod dito, may mensahe rin siya para sa kaniyang sarili.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Dear self, I am so proud of you. Keep doing what you’re doing and don’t forget to have fun while you’re at it."

Samantala, binati siya ng mga malalapit na kaibigan sa showbiz katulad nina Rita Daniela, Glaiza de Castro, Julie Anne San Jose, Carla Abellana, Mark Bautista, atbp.

Syempre hindi rin nagpahuli ang kaniyang nobyong si Jak Roberto.

"Congratulations mahal ko," sey niya.

Mapapanood si Barbie sa teleseryeng "Maria Clara at Ibarra" tuwing alas-otso ng gabi sa GMA.