Matapos ang halos tatlong taong hiatus, may petsa na ang coronaton finale ng pagbabalik ng Miss International competition sa Tokyo, Japan.

Basahin: DOST, suportado ang Miss International bid ni Hannah Arnold sa Japan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ito ang kasunod ng opisyal na anunsyo ng Binibining Pilipinas nitong Lunes.

“Binibining Pilipinas International 2021 Hannah Arnold will finally be competing for the Miss International crown this December 13 in Tokyo, Japan!” anang BPCI.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Nakatakda namang maglunsad ng send off party para kay Hannah ang BPCI bukas, Martes, Nob. 14.

Basahin: Eleganteng pagrampa ni Hannah Arnold sa isang bridal show, hinangaan ng pageant fans – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna nang pinusuan at binabasbasan ng kapwa Pinay beauty queens ang official photo ni Hannah sa website ng Miss International kamakailan.

Basahin: Official photo ni Hannah Arnold sa Miss Int’l, pinusuan ng netizens, kapwa beauty queens – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, pwedeng suportahan ang Pinay beauty queen para sa kaniyang Top 15 placement.

Sa isang Instagram post, ipinaliwanag ni Hannah ang first-ever online voting sa kasaysayan ng kompetisyon.

Ito’y sa pamamagitan ng isang online app na magbubukas sa Nobyembre 30.

Basahin: Nasa 70 kandidata, magpapasiklaban sa pagbabalik ng Miss International competition – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid