Inanunsyo ng Department of Health (DOH) nitong Lunes na mula Nobyembre 7 hanggang 13 ay nakapagtala pa sila ng 9,069 na panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 sa bansa.

Sa case bulletin ng National Covid-19, ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 1,296.

Mas mataas ito ng 43% kung ikukumpara sa mga kaso noong Oktubre 31 hanggang Nobyembre 6, ayon sa ahensya.

Sa mga bagong kaso, anim ang may malubha at kritikal na karamdaman. 

National

‘Julian,’ mas lumakas pa; Signal No. 3, itinaas na

Nasa 113 rin ang namatay, kabilang ang 41 na naitala nitong Oktubre 31 hanggang Nobyembre 13.

Higit sa 73 milyong indibidwal o 94.29% ng target na populasyon ang bakunado na laban sa sakit habang 20 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.