Tila hinahanap na ng aktres na si Nadine Lustre ang admin o owner ng Facebook page na "Siargao Secret" matapos makarating sa kaniyang kaalaman ang panlalait nito sa kaniyang kutis, gawa raw ng kaka-surf niya sa isla.

Batay sa salin sa wikang Filipino, nakasaad sa FB post na mababasa rito na nasira na ang beauty ni Nadine.

Nadine Lustre (Screengrab mula sa FB page na Siargao Secret)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Larawan mula sa Fashion Pulis

"Para nang nasunog ang mukha ni Island Girl Nadine at umitim na ang kulay nang kutis nitong babaeng itong parati na lang nag-surfing sa isla," mababasa sa naturang FB page.

"Walang problema ang kaniyang nobyo na may lahing French man, namumula lang ang kutis kapag nainitan, pero si Nadine konti na lang kulang puwede nang gawing kasabwat na pulubi dahil sa kaitiman."

"Inday Nadine, malapit ka na talagang ma-certified island girl. Oh baka naman may bago na namang movie na darating. Ang Serina na Negra."

Sa kaniyang tweet nitong Nobyembre 12 ay tinawag na "Trash" o basura ni Nadine ang naturang FB page.

"Also if anyone finds out who owns that page lmk. I just wanna say hello 🥰," saad ni Nadine.

https://twitter.com/hello_nadine/status/1591331980503044103

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Nadine pls don't waste your precious time to a clout chaser. This is what that admin love to get your attention so don't give in to that. Choose your battle wisely."

"Sometimes you have to fight a battle to stop the war!"

"Ate Nadine mas maganda ka pa ngayon sa color mo na yun🥰 you know most fb users they kinda… but I think your color is your beauty signature it makes your beauty classy."

"Napakaganda mo po queen… Ignore them, please do what makes you happy… we love you!"

Samantala, wala pang update mula kay Nadine kung natukoy na ba niya kung sino ang admin ng naturang FB page.