Usap-usapan ngayon sa social media ang ibinahaging Instagram story ng beauty queen at nagwagi sa 5th season ng Asia's Next Top Model na si Maureen Wroblewitz kung saan flinex niya ang isang lalaking tila may dugong foreigner, na ipinagpalagay naman ng mga netizen na bago niyang jowa.

Makikita sa mga ibinahaging IG stories ni Maureen na ang lalaking ito ay nakayapos sa kaniya habang nakasakay sila sa isang duyan.

Screengrab mula sa IG ni Maureen Wroblewitz

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kasama rin niya ito sa wellness at detoxification activity niya gaya ng acupuncture. Hindi naman niya tinukoy ang pangalan o pagkakakilanlan ng lalaking ito.

Screengrab mula sa IG ni Maureen Wroblewitz

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Ay nag-upgrade!"

"Hindi rin nababakante si Ate Ghorl huh!"

"Ang guwapo! Magaling talaga siya pumili lol pero nalulungkot ako for JK."

"Women should always raise their standards. Good job, Maureen!"

"Side profile pa lang, pogi na ang new guy."

Si Maureen ay ex-girlfriend ng singer na si JK Labajo, na unang nakilala sa unang season ng "The Voice Kids" at kasabayan nina Lyca Gairanod at Darren Espanto.