Isang araw lang matapos manindigan ang Miss Planet International Organization na tuloy na tuloy ang kompetisyon sa Nob. 19, agad na binawi naman ito sa isang pahayag nitong Linggo.

“On behalf of our Miss Planet International Organization we are announcing the postponement of our worldwide competition that would be held in Uganda on November 19th, 2022,” anang organisasyon sa isang opisyal na pahayag.

Dahil sa bigong makapaglatag ng mga requirements ang pamunuan nito, napurnada ang sana’y finals at preliminary competitions ngayong linggo.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Miss Planet International 2022 moves forward and it will be held in the Kingdom of Cambodia in January 2023,” saad ng beauty pageant gayunpaman.

Basahin: Miss Planet Int’l, matutuloy sa kabila ng ‘challenges’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa huli, nagpaabot ng kanilang paumanhin sa mga delegada at kani-kanilang team ang Miss International kasunod ng abalang idinulot ng kanselasyon.