Usap-usapan ngayon sa social media ang ibinahaging Instagram story ng beauty queen at nagwagi sa 5th season ng Asia's Next Top Model na si Maureen Wroblewitz kung saan flinex niya ang isang lalaking tila may dugong foreigner, na ipinagpalagay naman ng mga netizen na bago niyang jowa.

Si Maureen ay ex-girlfriend ng singer na si JK Labajo, na unang nakilala sa unang season ng "The Voice Kids" at kasabayan nina Lyca Gairanod at Darren Espanto.

Makikita sa mga ibinahaging IG stories ni Maureen na ang lalaking ito ay nakayapos sa kaniya habang nakasakay sila sa isang duyan.

Kasama rin niya ito sa wellness at detoxification activity niya gaya ng acupuncture. Hindi naman niya tinukoy ang pangalan o pagkakakilanlan ng lalaking ito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/13/mystery-guy-na-nakayapos-kay-maureen-wroblewitz-sa-duyan-bagong-jowa-raw/">https://balita.net.ph/2022/11/13/mystery-guy-na-nakayapos-kay-maureen-wroblewitz-sa-duyan-bagong-jowa-raw/

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Ay nag-upgrade!"

"Hindi rin nababakante si Ate Ghorl huh!"

"Ang guwapo! Magaling talaga siya pumili lol pero nalulungkot ako for JK."

"Women should always raise their standards. Good job, Maureen!"

"Side profile pa lang, pogi na ang new guy."

Samantala, tila para kay Maureen daw ang "hugot" post ni JK kasama ang alagang pusa.

"Yung tipong mamahalin mo pa rin siya kahit di ka niya mahal," caption ni JK sa kaniyang IG post.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Nasa story ni Mau new bf nya ansaket hahaha."

"Sakeeeet inunfollow na nila isa't isa."

"Mahahanap mo din sooner or later yung para sayo talaga, for now yung para sayo JK ay busy pa at niloko ng iba 😅 pero bitaw moabot rajud na puhon para sa imoa kay naa man kay good heart ug gwapo sab."

"Sana pusa na lang ako…"