Kinaaliwan ng mga netizen ang ibinahaging TikTok video ng isang uploader na si "@ramilarintoc" matapos niyang i-flex ang mahaba at hindi tinipid na banana cue, na paninda ng isang ale mula sa Batulao, Nasugbu, Batangas.

Makikitang nakatuhog sa mahabang banana cue stick ang anim hanggang pitong saging na nagkakahalagang 25 piso. Malayo ito sa karaniwang banana cue na may tatlong saging lamang.

Ayon pa sa nagtitindang babae, sarili niyang gawa ang kaniyang mga itinitinda. Araw-araw ay gumagawa siya ng dalawang tray, na nabebenta naman sa halagang 1,500 piso. Mabenta ito dahil sa murang halaga ay solve na solve na raw ito para sa almusal o meryenda. Hindi rin tinipid sa asukal!

Paglalarawan ng uploader, para daw itong espada ng itinuturing na unang bayaning si Lapu-Lapu.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Siguro may banana farm si nanay. Pamigay ang presyo. God bless po!"

"Dito po sa amin 20 for 2pcs lang sana all."

"Grabe dami naman niyan, dito sa QC 2 lang 20 pesos na."

"Sa isang stick lang solb na solb na!"

Marami rin sa mga netizen ang nag-alalang baka hindi na kumita ang aleng nagtitinda, sa presyo pa lamang daw ng asukal. Sansala naman ng uploader, kumikita naman daw ito at hindi nalulugi, kahit na nag-aangkat lamang din ng mga saging dahil wala naman itong sariling banana farm.