Tila nagbigay ng "unsolicited advice" ang tinaguriang "Pambansang Lalaking Marites" na si Xian Gaza sa mga babaeng naghahanap ng ideal partner para sa kanila buhay, kagaya na lamang ng Pinoy Big Brother winner at vlogger na si Slater Young.

Kinakikiligan kasi si Slater Young ngayon dahil bukod sa kaniyang angking-talino at pleasing personality, hinahangaan din kung paano siya bilang asawa sa misis na si Kryz Uy, at bilang ama sa kanilang mga anak.

Sa one-on-one nga ng mag-asawa, sinabi mismo ni Slater na kung si Kryz ang hands-on sa pag-aalaga sa kani-kanilang mga anak, siya naman daw mag-aalaga sa kaniyang misis, bagay na nagpa-sana all sa mga "hopeless romantic" na mga babae. Wish nila, sana raw ay makatagpo sila ng isang Slater Young, o may mga lalaking kauri o katulad pa nito.

Bagay na sinansala naman ni Xian sa kaniyang Facebook post noong Nobyembre 10.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

"Bago ka maghanap ng Slater Young, siguraduhin mo munang ka-level mo si Kryz Uy. Gumugusto ka ng Slater pero datingan mo ay squammyng chararat. Yung hinihiling na lalaki ay iayon sa mukha at estado mo sa lipunan. Nahihibang ka na."

Sa comment section ay sinegundahan pa ito ng online personality.

"NAHANAP NIYA SI SLATER KASI SIYA SI KRYZ UY. MAHIRAP BANG INTINDIHIN YUNG KONSEPTONG IYON?"

"KUNG GUSTO MONG MATAGPUAN YUNG SLATER YOUNG NG BUHAY MO, WORK HARD PARA MAGING ISANG KRYZ UY KA."

"Si Xander Ford ang dapat sa'yo."

Screengrab mula sa FB ni Xian Gaza