Ngayong araw ipinagdiriwang ni Senador Imee Marcos ang kaniyang kaarawan, kaya naman hindi nagpahuling bumati ang 'Maid in Malacañang' director na si Darryl Yap.

Sa isang Facebook post nitong Sabado, Nobyembre 12, nagpasalamat si Yap sa mga bagay na ibinigay sa kaniya ni Marcos. Maging ang mga paalala ng senadora sa buong VinCentiments.

"Maraming Salamat Senator sa lahat ng regalo, payo at pangangaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa. Salamat, dahil ang inyong araw-araw ay paalala sa aming lahat sa VinCentiments na laging mahalin ang mga Kapatid at mga Magulang," anang direktor.

Samantala, ang birthday wish naman ni Yap ay huwag daw i-censor ang script niya.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

"Wala man ako ngayon sa Davao dahil inaasikaso ko ang Part2 #MoM, pag nagkita ko na lang iaabot ang regalo ko sayo. pero sa ngayon ang Birthday Wish ko para sayo ay Sana po..WAG NYO ICENSOR ANG SCRIPT KO AT BAKA MABAWASAN TAYO NG KAAWAY."