Mukhang tapos na nga ang pila nang mapabalitang may relasyon ang "sexiest man alive" na si Chris Evans at Brazilian-Portuguese actress na si Alba Baptista.

Sa article ng People Magazine, sinabi ng kanilang source na isang taon nang 'seryosong' nagdedate sina Evans at Baptista. Dagdag pa nito, "They are in love and Chris has never been happier. His family and friends all adore her." 

Si Alba, 25, ay isang Brazilian-Portuguese actress na bumida sa isang comedy drama film na "Mrs. Harris Goes to Paris" at fantasy drama series na "Warrior Nun." Noong nakaraang taon, napanalunan niya ang "Shooting Star" award sa Berlin Film Festival.

Samantala, si Evans, 41, ay kinilala bilang PEOPLE's 2022 Sexiest Man Alive.

National

Akbayan Party-list, nagpahayag ng suporta sa impeachment laban kay VP Sara