Hindi nagpakabog ang Pinoy at tinaguriang “King of Catwalk” na si Sinon Loresca kay Anna Sueangam-iam, ang isa sa karibal ni Celeste Cortesi sa Miss Universe crown.

Ikinatuwa ng maraming followers ng online personality ang pasarela collaboration ni Anne sa Pinoy pageant fanatic.

Sa kamakailang social media update, parehong hinangaan ang dalawa sa kanilang pag-flex ng pangmalakasang pagrampa.

Kasalukuyang nasa bansang Thailand si Sinon.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Hindi naman kataka-taka ang pagtatagpo ng dalawa dahil sa likod ng matagumpay na bid ni Anne sa Miss Universe Thailand noong Hulyo, ang Pinoy pageant coach na si RL Lacanienta ang humubog sa kabuuang pasarela ng Thai beauty queen.

Basahin: Pageant coach ni Miss Universe Thailand, isang Pinoy! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ikinatuwa naman ng Pinoy netizens ang appearance ni Anne sa social media ni Sinon.

“Finally, we can see this real duet, 😍” komento ng isang follower.

“The girl more effortless cat walking.😍”

“Pakk ganerrn!”

“Bonggang tandem!”

Basahin: ‘Nothing is wrong’: Transformation ng bagong Miss Universe Thailand 2022, usap-usapan online – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hindi naman kumpirmado kung opisyal ngang trainer na ng Thai delegate sa Miss Universe ang Pinoy pageant fan.

Ang Miss Universe 2022 edition ay gaganapin sa New Orleans sa US sa Enero 2023.