Naging paksa ng usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika sa kanilang showbiz radio program na "Cristy Ferminute" ang umano'y kumalat na video ng ilang mga die-hard na tagahanga ng phenomenal loveteam na "AlDub" ng noontime show na "Eat Bulaga" kung saan tila maihahambing na raw sa "kulto" ang kanilang mga ginagawa.

Makikita sa video ang ilang mga may edad nang tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza na tila ipinagdarasal na sana raw ay aminin na nina Alden at Yaya Dub ang kanilang pagiging mag-asawa at pagkakaroon ng anak, habang may hawak na kandila.

Marami naman ang nagsabing nakatitindig-balahibo na ang ginagawa nila dahil para na raw silang "kulto".

Bagay na nireaksyunan din ni Cristy. Aniya, nararapat na raw sigurong magpatingin sa manggagamot ang mga ito dahil wala aniyang makapagpapatunay na nagkaroon ng relasyon, at nagkaroon pa ng anak sina Alden at Maine.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Opo, dapat na talaga nagpapatingin tayo kapagka ganyan. Na alam naman nating walang anak si Alden at si Maine at hindi sila naging mag-asawa at hindi magiging mag-asawa, pero pinaniniwalaan pa rin natin. Iba na po ito. Medyo dumalaw na po tayo sa ating mga doktor at baka naman po may nagaganap na…" ani Cristy sa November 9 episode ng kaniyang radio program, na napapanood din sa YouTube channel.

Matatandaang nagalit pa ang ilang AlDub fans matapos lumabas din ang panayam ni Ogie Diaz kay Maine Mendoza at klaruhin ang mga bagay na ito.

“So 'yun po ang hindi ko ma-tolerate. I tried calling them out couple of times already pero ayaw po talaga nilang maniwala. I will take this chance. 'Yung iba parang kapit na kapit sila na mag-asawa kami ni Alden, may anak kami. Totoo po ito," ani Maine.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/04/maine-mendoza-nilinaw-sa-mga-diehard-aldub-fans-na-wala-silang-anak-ni-alden-richards/">https://balita.net.ph/2022/11/04/maine-mendoza-nilinaw-sa-mga-diehard-aldub-fans-na-wala-silang-anak-ni-alden-richards/

Noong 2015 ay talaga namang sumikat nang husto ang "Kalyeserye" kung saan sinubaybayan ng halos buong sambayanang PIlipino ang tambalang AlDub, na aksidente lamang na nabuo dahil sa "Juan For All, All For Juan". Wika nga, "the rest is history".

Sa ngayon ay engaged na si Maine sa kaniyang fiance na si Kapamilya actor Arjo Atayde.