Napa-wow ang mga netizen sa latest Instagram post ni Kapuso comedienne Rufa Mae Quinto matapos niyang i-flex ang kaniyang kaseksihan habang nasa isang beach resort.

Todong-todo ang pag-pose ni "Booba" habang nakasuot siya ng kaniyang itim na polka dots bikini. In fairness naman kay Rufa Mae, kahit na may junakis at asawa na, talaga namang maalindog pa rin at kitang-kita pa rin ang kurbada ng katawan!

View this post on Instagram

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto)

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Nagkomento naman dito ang mga kaibigang celebrity na sina Maui Taylor at Regine Angeles.

"Pak mars!" sey ni Maui.

Naglalagablab na flame emojis naman ang ikinomento ni Regine.

Narito naman ang ilan sa reaksiyon at komento ng mga netizen.

"Ang sexy!!!"

"Oh pak!!!! Ganun!!!! Go go go!!!!"

"Ate!!!! Grabe, so pretty!!!!"

"Witwiwww!!!"

Sa isa pang Instagram post, sinabi ni Rufa Mae na grateful siya sa mga nangyayari ngayon sa buhay niya.

"I’m so grateful with what I am and have, thankful for my life, thanks to myself," ani Rufa Mae.

"Be happy for this moment, This moment is your life”

"Learn to let it go go go! This is the key to happiness!!!" Smile naman dyan! Dinner time na and malapit na weekend! Yasss!" pabiro pang hirit ng komedyana.