Sunod-sunod na bullseye agad ang landing ng unang pagpapaputok ni Kapuso actress Kylie Alcantara sa kaniyang pagsabak sa isang shooting range for the first time.

Kinabiliban ng maraming followers ng aktres sa Instagram ang ibinahagi nitong tagpo kung saan makikitang sa gabay ng ilang eksperto, inaalalayan siyang magkasa at magpaputok ng totoong baril.

Sa ‘di kalayuan, makikita naman ang mga kulay dilaw na target na dapat tamaan ni Kylie.

Sunod na kumpiyansang pinaputok ng aktres ang unang bala na agad na tumumbok sa naturang target.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa hindi rin niya alam na dahilan, sunod-sunod na natamaan ni Kylie ang anim pang target dahilan ang maririnig na pagbubunyi ng ilang nakasamaang guide.

Anang aktres, ito ang kauna-unahang pagpapaputok niya ng totoong baril.

“These are my first shots! Like legit, the first shot that i did (as seen on this vid) was my first ever shot with a real gun😝 di ko rin alam kung bat tuloy-tuloy hahaha,” mababasa sa Instagram post ng young actress, Sabado.

Maging ang kapwa aktres na si Bianca Umali ay tila na-excite din para sa kaibigan at napakomento pa sa parehong IG post.

“Sayaaa,” anang Kapuso actress.

Kinabiliban din ng maraming followers ni Kylie ang tila newly discovered skills nito.

“Laking tulong ng kakalaro mo sa valo hahaha. Jk. Galing! 👏🏼” komento ng isang follower.

“Patay si Mavy sayo WHAHAHA 🤣🤣🤣✌✌” birong hirit ng isang fan.

“Bongga ka dzaiiii!”

“Pinangarap maging sundalo pero naging artista 😳 ang galing mo!!! Pew pew”

“Omg super talented ang batang ito ang galing😍”

“Meant to be! You should be in an action series or movie!!😍”

“Grabehaannnnn😭”

Bago naging artista, unang ibinahagi noon ni Kylie na pinangarap niyang maging bahagi ng hukbong sandatahan.

Tila nauuso namang leisure habit ng ilang artista ang pagbisita sa mga shooting range kamakailan.

Basahin: Investment para sa seguridad: Carla Abellana, sumabak sa gun firing session – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid