Viral sa TikTok ang paghuhugas ng kamay ng aktres na si Julia Barretto habang kumakanta ng "Happy Birthday" song noong Nobyembre 9, 2022.

"Guys!!! Yes yes ang tubig! Oh my! ✌🏻Only for this video, di na mauulit!!! Tama save water. Thank you! 🤍💧"

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Makikita ang jowa ni Gerald Anderson na nakasuot ng pink cocktail dress habang hinihimok ang publiko na panatilihing malinis ang mga kamay, upang makaiwas sa mga sakit gaya ng Covid-19. Matatandaang inirekomenda ng mga awtoridad na kasinghaba ng pagkanta ng "Happy Birthday" ang tamang paghuhugas ng mga kamay sa isang running water, at siyempre, may sabon.

Marami naman ang pumuri kay Julia na "napaka-expensive" daw ng paghuhugas nito ng mga kamay.

"Ginawa ko rin 'yan pero parang ordinaryo lang ako hahaha."

"Ang shala naman ng paghuhugas ng kamay hahaha."

"Naghuhugas rin naman ako ng kamay pero bat di ako ganito kaganda🥺."

"Naghugas din ako kamay pero di ganyan kasexy at kaganda 🥺😆."

"Bakit ang classy pa rin Miss Julia, hustisya naman para sa amin hahaha."

"Bat ang ganda nakakaloka samantalang ako naghuhugas ng kamay pati plato at kubyertos bat ni hindi ako gumanda."

"Kahit saang anggulo, maganda. Suwerte ni Gerald."

Sa kabilang banda, hindi naman naiwasang magkomento ang haters ng aktres sa comment section ng isang ulat tungkol dito.

"Ugali sana ang nililinis hindi lang kamay. Oopps hindi kami haters nagsasabi lang ng totoo. Ang mga fans dapat pinipili din ang tao hindi dahil sa maganda o sikat, check n'yo rin ang character kasi tingnan n'yo nagagaya na kayo sa mga idol nyo, wala na sa logic."

"Ang dapat malinis ay yung ugali mo masyado kang mapagmataas."

"Naghugas lng ng kamay at nagkanta ng happy birthday big deal? Kapitbahay nga namin nagbudots pa habang naliligo wala lang…"

"I'm wondering what's the significance of this to our daily lives???"

"Maganda nga pero hindi marunong lumingon sa pinanggalingan sa nagbigay ng buhay sa kaniya. Ang kaniyang nag-iisang ama natitiis niyang balewalain ang sarili niyang ama."

Basahin:

https://balita.net.ph/2022/09/16/julia-barretto-hindi-pa-handang-patawarin-ang-amang-si-dennis-padilla/">https://balita.net.ph/2022/09/16/julia-barretto-hindi-pa-handang-patawarin-ang-amang-si-dennis-padilla/

Samantala, wala pang tugon o reaksiyon si Julia tungkol dito. Umani na sa 3.2M views ang naturang TikTok video.