Matapos ang mga espekulasyon ng umano'y pagkakakansela ng Miss Planet International 2022 kung saan lalaban si Herlene Nicole Budol, naglabas ng pahayag ang manager at National Director ng Miss Planet Philippines na si Wilbert Tolentino nitong Biyernes ng gabi, Nobyembre 11.

Sa isang Facebook post, inihayag ni Tolentino na sa kabila ng pakikipag-ugnayan para maayos ang mga naging gusot sa pageant, mas minabuti nitong i-withdraw na lang si Herlene sa pageant.

“Due to uncertainties by the organizers, I have decided to withdraw Herlene Hipon Budol from the competition despite numerous attempt to fix some pageants debacles. It seems like the Ugandan Government has no initiative to intervene,” saad ni Tolentino.

“We apologize to the supporters, who were rooting for since day one. To the team, sponsors, and designers. Thank you and I am sorry. Thank you to the Filipino community in Uganda for the comfort and well wishes,” dagdag pa niya.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Labis din ang panghihinayang ni Tolentino dahil aniya, hindi lang korona ang nawala sa kanilan team kung di, pera at oras para paghahanda sa laban sana ni Herlene.

"For me as, MPP National Director, I an very hurt, Not only we lost a crown, lost of money, lost of effort; but lost of time. But we will never lose hope, because we have bright future back home awaits," aniya. "This is indeed a traumatic experience for all of us, but we fought for it until the end. And that is our mission."

Napaulat din na ilan sa mga kandidata ay nagpahayag na rin ng dismaya at hindi na rin makapagpapatuloy sa nasabing pageant.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2022/11/11/miss-planet-international-candidates-nabudol-sa-uganda-pageant-hindi-na-raw-tuloy/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/11/11/miss-planet-international-candidates-nabudol-sa-uganda-pageant-hindi-na-raw-tuloy/

Sa ngayon ay wala pa ring opisyal na pahayag ang mga organizers ng Miss International 2022 at hindi pa malinaw kung matutuloy pa ang nakatakdang coronation night nito sa Nobyembre 19, 2022 sa Uganda.